A: Good morning. Ako po si Almahdin Ampatuan Antoling, Division ALS Focal Person ng Maguindanao One Division
Unang una po ang aking role as Division Focal ay magbigay ng technical assistance sa ating mga ALS teachers in their field at nagbibigay ng support in terms of instructional and supervision.
R: Anong sa tingin mo impression mo sa ALS noong una, ang strength ng ALS program?
Noong unang-una pagkarinig ko tungkol sa ALS ay ang nagbibigay ng oportunidad sa ating mga kababayan. Lalong lalo na sa mga magulang na hindi nakapag-aral saka sa mga out-of-school youth na nais bumalik sa pag-aaral pero dahil sa mga problema na narasan nila, kagaya ng early marriages, financial resources is kulang talaga. Yun po ang importansya ng ALS sa akin. Yun ang impression ko. Tumutulong sa taong nangangailangan na gustong bumalik sa pag-aaral.
R: Sitwasyon sa inyong community? Marami talaga dito ang hindi nakapag-aral. Nawawalan ng pag-asa sa buhay dahil wala silang access to education? Tell us. Be very specific about this community.
A: Unang una, hindi ko maikakaila na ang probinsya namin, lalo na itong Maguindanao na sa top of illiteracy at kahirapan but, despite of that ang, ating provincial governor at superintendent ay unti-unting ina-uplift ang ating illiteracy para yung mga mamamayan natin dito ay may access din sa pag-aaral kaya pinupush natin itong ALS para matugunan ang pangangailangan ng mamamayan na hindi maka-access sa pag-aaral.
R: Ang area mo ang top enrollment sa ALS. Please describe ang strategy mo. Paano mo naipaliwanag sa community na ito ang solusyon?
A: Tutoo po yon. Kami ang nasa Top 10 or Top 5 sa number of enrollees nationwide sa pamamagitan nito nakakatulong ang aming ALS partners. Lalung lalo na ang UNICEF at Synergeia. Sa pamamagitan nila, nakikilala lalo ang ALS program sa community. Kasi sa totoo lang, noong hindi pa po sila dumating, hindi pa masyadong nakikilala ang ALS sa community. Yan po ang reality sa kadahilanan yun ang ALS teachers, nahihirapan maka-access sa komunidad, lalo na sa mga armed conflict areas. Yun po ang kadahilanan na hindi maka-access ang ating ALS implementers sa community. Kaya, sa tulong ng ating mga ALS partners ay unti-unting nabibiyan ng pagkakataon na mapasukan at makapag-coordinate sa mga lugar.
R: Cite something specific na ginawa nyo para ma increase and awareness about ALS. Paano mo sila nakumbinsi na mag participate sa ALS program?
A: Ganito yan, Sir. Nakita nila at nasaksihan na ang ALS ay marami kaming napa-graduate. Na-motivate ang ating mga learners na ito ang pagasa natin.
R: Meron kang feedback na sinasabi sa iyo ng mga stakeholders? Yung mga sinasabi mong life changing?
A: Within the community nagpapasalamat sila na sa pamamagitan ng ALS, nabago ang kanilang buhay. Isang estudyante namin, four years, three years ago, isa siyang OFW. Sabi niya, gusto niyang magaral sa ALS. Sa kabutihang palad, pumasa siya sa accreditation and eligibility tests three years ago. Ngayon, graduating siya ng BS Social Work sa MSU Maguindanao. Inshala this year, graduate na siya. Yun po ang isang story dito sa ALS program.
R: How about yung mga nauna naming nakapanayam? No read no write sila. Pwede mong ikwento na dahil sa ALS na overcome nila ito? Ngayon nasusulat na nila ang pangalan nila.
A: Kagaya po niyan sila papa, ina, mga adult learners. Dati, hindi marunong sumulat, hindi marunong bumilang. Noong nag-aral na sila ay hindi na nila kailangan ng kasama na susulat sa pangalan nila. Sila na mismo. Lalung lalo na during the election saka sa 4 Ps. Hindi na kailangan pirma lang–pangalan na nila. Yun ang naitulong ng ALS program.
R: Ano ang idea mo sa role ng edukasyon. Sa tingin mo, hindi ito dapat kaligtaan, na tulay sa pagasa?
A: Tutoo po. Sa pamamagitan ng edukasyon, mababago ang buhay natin. Kagaya ko po. Ang aking ina ay product ng ALS PLP learners. Siya po ay no read-no write. Until now. Pero ,sa pamamagitan ng ALS, nakakapagbasa at bumilang. Kahit yan lang po ang alam niya. Despite of that, wala na po akong ama since 2011, ako ang panganay, sa pamamagitan ng aking ina, I am proud that she is an ALS graduate PLP learners so kahit na no read-no write, ay napagtapos niya kami. Tatlo kaming professional na guro dito sa Maguindanao 1 Division. Nagpapasalamat kami dito sa ALS program. Naituro kay ina yung tamang financial management. Kaya yun po despite being a single mother, solo parent, andun siya para gabayan kami.
Ako si Almadin Antolin, Division ALS Coordinator ng Maguindanao 1 Division. Ako ay laban sa illiteracy.