Meilene Ampang (Instructional Manager and ALS Division Coordinator in BARMM)

15 July 2023

M: Ako at kasama ang aking mga ALS implementers dito sa SPMS Box Municipality ay lubos na nagpapasalamat sa Synergeia at sa UNICEF sa pagbigay ng pagkakataon sa ating mga kabataan na makapagpatuloy sa pag-aral at maabot ang kanilang mga pangarap. Sana po ay huwag kayong mapagod sa pagtulong dito po sa Bangsamoro. Maraming, maraming salamat po.

Ako po si Meilene Ampang. Kasama ninyo sa pag-abot ng inyong pangarap. Ako ay laban sa kamangmangan.

Ang mensahe ko sa mga kapwa kong ALS implementers: huwag nating sukuan ang ating mga mag-aaral. Mahalin natin sila. Gabayan natin sila sa mga aspeto kung saan sila nangangailangan. Ibigay po natin sa kanila ang edukasyong ipinagkait sa kanila. Pagmamahal, kalinga. Dahil ang bawat ALS na estudyante ay mga kaniyang kaniyang hamon. Kahit sila ay nag-aaral, may hamon pa rin silang ibang lalabanan. Kaya, tayong mga ALS implementers, mahalin po natin ang ating mga estudyante, gabayan natin sila.

R: Meron ka bang example ng batang nag improve dahil sa ALS? Ano ang naging kapalaran niya?

M: Masasabi ko dahil may nakapagtapos sa ALS ko, hindi lang isa ang pwede kong maibahagi na naging successful dahil sa ALS. Hindi successful sa aspetong yumaman (kundi) sa aspetong nakapag-aral sa formal school dahil natapos ang ALS. Meron kaming isang estudyante na nakatapos sa ALS dahil hindi siya makapag-aral sa formal school araw-araw. Nagamit niya.

Dati, noong hindi pa ako nagtuturo sa ALS, nasa grade school level, elementary ako. Formal school. Pupuntahan ako ng mga bata.

R: Sino si Meilene?

M: Si Meilene ay isang guro. Meilene L. Ampang ang aking pangalan. Forty years old na po ako. Nagtuturo ako for almost 15 years na po. Dati akong nagtuturo sa state college ng walong taon. Lumipat po ako sa DepEd ng isang taon saka ako lumipat dito sa ARRM. BARRM po. Dati ay ARRM. Na-assign po ako sa Barangay …, sa may dulo, yung area kung saan may war conflict. Pag nagbabarilan, wala kaming class sa school. Nasa evacuation ang mga bata namin. Doon ako nanggaling bago ako napunta sa ALS.

R: Paano mo nalaman ang tungkol sa Alternative Learning System?

Actually po, tinawagan ako ng District Supervisor ko. Magre-retire na ang dating ALS namin. Tinanong niya ako kung tatanggapin ko ang maging District ALS Coordinator. Bilang guro naman, very passionate ako. Gusto ko, meron pa akong marating, hindi lang sa apat na sulok. Pinapangarap ko na sana may iba pang ma-experience. So, tinanggap ko ang maging District ALS Coordinator. Kaya napunta ako sa Shariff Aguak district as District ALS Coordinator po.

R: Ano ang una mong impression sa ALS?

M: Konti lang ang alam ko. Ang alam ko lang sa ALS, diyan naga-aral ang mga matatanda at saka mga out-of- school youth. Yun lang ang aking alam sa ALS dati.

R: Sa involvement mo sa ALS, ano ang nadagdag sa kaalaman mo?

M: Masyado palang malawak ang ALS. Hindi lang pala doon. As an ALS teacher, marami pala kaming ike-cater. Hindi kami dapat mamili. Basta kung sino ang gustong mag-aral, tuturuan namin. Matanda man siya, may anak, may trabaho, kailangan naming turuan ang gustong bumalik sa pag-aaral.

R: Bakit mo ginagawa ito?

M: Siguro dahil masyado akong nacha-challenge. Dati, challenged na ako. Magtuturo na ako. Very adventurous ako. Magtuturo ako sa ALS, tingnan natin kung saan ako mapupunta. Iba pala. Kasi may kuwento pala sa loob ng ALS. Nakita ko ang iba’t ibang mukha ng ALS. So sa kalagitnaan, naiba. Hindi na adventure ang hinanap ko. Meron na akong sinusunod na “dapat,” “kailangan.” Dapat matuto sila. Kailangan maibalik ko sila sa formal school. Kailangan hindi na sila bumalik sa out of school youth. Kailangan hindi sila maging problema.

No summary

Join

Our

Movement

Related News