Norainnah Kaslon Sindatu (Instructional Manager, Datu Salibo Municipality)

19 July 2023

N: Magandang araw po. Ako si Norayna Kaslon Sindatu from Datu Salibu municipality isa po akong Instructional Manager ng Alternative Learning System designated po ako sa barangay Dado, Datu Salibo. Ang nanay ko po ay katulad ko rin na isang guro. Siya po ay principal sa Datu Salibo Maguindanao.

N: (reading a letter)Ang pangarap ko ay magkaroon ng isang tahimik at masayang komunidad.”

… Dahil sa pananakit ng Bangsamoro sa army ang kababayan mo pati ang kababaihan naman ay pinagsamantalahan ang kanilang kahinaan sa estado ng buhay.

R: Kanino galing ang salaysay na yon? Bakit importante?

Bilang isang instructional manager napaka importante sa akin ang salaysay sa iyon kasi isa po sa mga learners ko ay isang combatant. Yun po ang sinulat niyang pangungusap. Na magkaroon ng maayos, tahimik at masayang komunidad. Kasi po isa siyang commander.

Ang binasa kong pangungusap ay galling sa isa sa mga learners ko na isa pong commander. Importante sa akin ang pangungusap na yon dahil bago pa man ako pumasok sa kanilang barangay, ang tanging mission ko po is baguhin ang pananaw nila sa edukasyon. So, sa pangungusap na sinulat niya nakita ko na tumatama talaga sa kanyang isip ang aking misyon. Kasi po nasabi niya doon sa pangungusap niya na gusto niyang magkaroon ng tahimik at masayang komunidad.

R: Sa tingin mo ang inspirasyon at motivation mo bilang isang guro ay para makatulong mapanatili ang peace and order situation through education?

N: Opo. Kasi kung lahat po tayo ay nagkaroon ng edukasyon, mas madali nating mauunawaan yung bawat isa at mas madali ang pagkakaintindihan kasi meron po tayong ito (points to her head).

R: Yun din ang dahilan kung bakit kayo naging ALS teacher?

N: Opo. Simulat simula pa lang po noong bata pa ako, nag-aaral pa ako, ang tanging (kuwan) ko ay makatulong especially sa mga batang hindi nag-aaral.

R: Napagalaman ko na kayo ay dating teacher sa isang traditional school at ngayon ay instructor sa Alternative Learning System. Ano ang nakita nyong pagkakaiba or strengths ng ALS?

N: Yung ALS po is helpful po siya sa mga tao sa komunidad, compared to the formal school. Kasi po, sa formal school, sabihin na natin yung ang mga nag-aaral doon sabihin natin, may kakayahan silang financial. Yung Alternative Learning System, pwedeng mag-aral ang mga mahihirap, yung mga walang kakayahang pumasok sa eskwelahan. Even yung mga may disabilities na mga bata or yung hindi talaga pwedeng pumasok sa paaralan kasi nagtatrabaho sila. So, puwede sila sa ALS compared sa formal. Yun ang nakikita kong pagkakaiba ng formal at Alternative Learning System, or ang non-formal school.

R: Ano sa personal na karanasan ang naririnig nyong feedback tungkol sa learners ninyo whether bata, matanda, disabled or anuman ang kanilang estado? In terms of how the ALS is impacting their lives?

N: Sa akin po is yung sa Barangay Datu bago ako pumunta doon, wala talaga silang eskwelahan doon. Yung mga bata doon nag-aaral sa Datu Piang, Datu Saudi, ganoon. Or in Cotabato. Sa Datu Salibo, walang eskwelahan. So pumasok ako doon.

Malaki po yung kagandahan ng Alternative Learning System sa aking mga learners, kasi po bago po ako dumating sa area na yun, hindi talaga sila nag-aaral o hindi na pumapasok eskwelahan kasi tumigil na sila dahil mas pinili nilang humawak ng mga armas. So, nang dumating ang Alternative Learning System sa kanilang barangay, nagbago ang kanilang pananaw tungkol sa edukasyon, so bilang kanilang instructional manager, in-introduce ko kung ano ang ALS, kung ano ang pwedeng itulong ang ALS sa kanilang buhay. Kung hindi nila kayang bumalik sa kanilang pag-aaral, nandiyan, may life skills ang Alternative Learning System na kung saan pwedeng makatulong sa kanilang pangkabuhayan.

R: Bakit inuulit ulit mong banggitin ang paghawak ng armas? Meron kang personal na karanasan tungkol doon? Yung palaging may gera at natitigil ang pag-aaral ng mga bata? Kasi feel ko very strong ang empathy mo sa kanila. Naiintindihan mo ang sitwasyon nila. Bakit ganoon?

N: Sabihin natin na simula pang isilang ako, gera na ang kinagisnan ko, kasi Maguindanao, di ba? So, yun ang hugot ko. Mag-continue sila. Hindi hadlang yung gera na yan sa kanilang edukasyon kasi naniniwala ako na ang best weapon na kung saan makakamit natin ang peace is education.

R: Itong kuwento ng isang learner mo ba ay naglalarawan ng iyong pangarap mo noong araw? Kaya nung nabasa mo ito, it just hit you?

N: Opo. Yung kuwentong binasa ko, tumatak sa isip ko. Nagkaroon ako talaga ng pag-asa na mabago ang isipan ng ating mga batang mas pinipili yung paghawak ng armas kaysa edukasyon. So, parang sa feeling ko, na attain ko yung misyon ko na baguhin ang kanilang paniniwala tungkol sa edukasyon.

R: Pwede mong ilarawan isang specific na istorya na dahil sa ALS ay talagang nagiba ang buhay nila? Na uplift ang buhay nila?

N: So, noong time na matunog na masyado ang ALS, nag-start talaga ako. Sinabi ko sa lead IM namin na i- assign ako sa isang barangay kung saan may mga taong nakahawak ng armas or yung may mga commander. Na yun ang hahawakan kong barangay. So, dinesignate niya ako sa barangay kung saan ako ngayong nagtuturo.

Sa pagpasok ko lang doon, nagkaroon kami ng mapping. Nag-mapping kami. Nung nagsimula na ng klase ng Alternative Learning System, syempre nagkaroon kami ng orientation. Sa orientation pa lang na observe ko at hindi lang na-observe kundi nakikita ko sa mga tao doon na habang kami ay nago-orientation, hawak pa din nila ang kanilang armas. Pero never na pinakita ko sa kanila na takot ako. Sabi ko sa kanila, sanay na ako diyan, nakagisnan ko na yan. So, hanggang sa unti-unti, a month siguro, nagsimula na ang klase namin, andun pa din ang armas nila pero wala naman silang ginagawa sa akin kasi very participative sila. Unti-unti, nag photo docu kami, so yung iba doon, sinasabi kong commander, hindi siya talaga pwedeng videohan. Hindi siya pwedeng kunan ng picture.

Inintroduce ko sa aking mga learners, especially yung mga combatant learners, yung Alternative Learning System. Hanggang sa tumagal na kami sa barangay, naging participative sila, naging very active sila sa aming mga session. Dati kasi, gigisingin ko pa sila, tapos doon sa barangay wala kaming signal, darating ako doon, yung communication na gamit nila ay I-phone so pagdating ko doon, tawagan sila ng kapitana, okay andito ang ALS teachers natin pwede na kayong pumunta sa ating CLC. Pumunta sila sa CLC walang ligo, walang hilamos, may dalang mga armas. So, sa pagtagal ko doon, nag-iba na. Pumupunta sila sa venue namin na maayos ang damit, wala nang armas. So, malaki ang naitulong ng Alternative Learning System sa kanilang paniniwala, sa kanilang kaisipan. Imbes na hindi sila interesado, nagiging very interested sila, very participative and very active learners na sila ngayon.

R: Sa tingin mo, kapag pinalawig pa natin ang makakapag-aral ng ALS, lalo na sa mga communities na kumbaga ay conflict stricken, yung war ang mindset, mababago ba natin ang kalidad ng buhay nila?

N: Opo. Sa aking pananaw po, kung ipagpapatuloy natin ang Alternative Learning System, siguro po, marami talagang mababagong mindset tungkol sa edukasyon. Maaaring makita natin sa Maguindanao na nag-aaral na ang kabataan, hindi na sila humahawak ng armas, hindi na sila sa murang edad nag aasawa. Siguro kung magtagal ang alternative learning system, mas makikita natin ang kabataan ay nasa paaralan na.

R: Gaano ka importante sa tingin mo a ng local government dito sa misyon natin?

N: Napakaimportante ang ating gobyerno kasi para pa matulungan nila tayo na baguhin ang mindset ng kabataan or matulungan tayo sa pangangailangan ng isang komunidad kung saan iba ang tingin sa edukasyon.

R: Kung kakausapin mo ang mga lider ng local government unit, ano ang mensahe mo sa kanila?

N: Sana po sa ating mga local government ay mas lalo po nilang pagtuunan ng pansin yung Alternative Learning System nang sa ganoon, wala nang kabataan maghihirap o wala nang pamilyang maghihirap. Lahat po ay makakapag-aral at makakamit ng komunidad ang peace and order.

R: Mensahe mo sa kapwa mong IM.

Sa mga instructional managers, huwag po tayong tumigil tumulong sa iba dahil hindi po tayo nagpapaka-hero pero ang sarap sa pakiramdam na ang mga learners natin nakikita natin na na-achieve nila ang kanilang mga pangarap sa buhay, so huwag po tayong magsawang tulungan sila.

R: Gratitude statement mo sa Synergeia at UNICEF.

In behalf of Datu Salimo district, kami po ay taos pusong nagpapasalamat sa Synergeia, UNICEF, MBSTE dahil sa pagbigay ng chance na mapalago ang Alternative Learning System. Sana po mas lalo niyong mabigyan or mas lalong mapalago ang Alternative Learning System para mas marami pa tayong matulungan mga batang hindi nag-aaral. Maraming-maraming salamat po sa inyong Tulong.

N: Sa mga Alternative Learning System learners ko, huwag po tayong mawalan ng pagasa dahil nandiyan ang ALS para tayo ay maibalik sa ating former school, maibalik ng katiting ang ating mga naudlot na pangarap. So habang may buhay, may pagasa so huwag susuko po.

N: Ako si Norayna… instructional manager ng alternative learning system sa Datu Salibo Municipality Ako ay laban sa batang hindi nag-aaral.

No summary

Join

Our

Movement

Related News