Voices of the Health & Economic Summit

28 April 2022

Dr. Rey Aquino

Mentor, Synergeia Foundation

Ako po ay from Synergeia. Matagal na po ang engagement dito sa Marawi at nakatuon ang pansin namin noon sa basic education. Pero, ngayong pagbabalik namin, ang aming isa pang naging concern ay tungkol sa kalusugan at sa ekonomiya dahil ito ang dalawang na-apektuhan ng pangkasalukuyang pandemiya.

Siguro, hindi natin malilimutan noong nagimbal ang lahat ng mamamayan, hindi lang sa Marawi, hindi lang sa Pilipinas, sa buong mundo noong patapos ang December 4, 2019. Siguro naalala nyo pa yun. Yung sa Wuhan. Yun pala, pare-pareho tayo dito sa mundo na hindi lalabas, naka-mask, nag-iingat, natatakot. Yan ang pakiramdam hindi lang ng taga-Marawi, kung hindi lahat ng tao sa mundo.

At nakita rin natin na pare-pareho tayong naka-mask, naka-alcohol, nagso-social distancing, at iba pang mga paraan para maiwasan ang pandemyang ito. Pero hindi lang ang pandemya ang naka-apekto sa kalusugan kundi pati ang kabuhayan ng bawat isa sa atin.

Ano ba itong COVID na ito? Ano ba ang pandemyang ito?

Kung napapansin ninyo, halos ang tama nito ay sa respiratory system natin kaya ang tawag natin dito, hindi lang COVID 19 na ina-identify yung virus, kung hindi SARS—Severe Acute Respiratory Syndrome dahil ang tama nito ay nasa paghinga. Kaya nga, tayo halos lahat tayo dito, ang pino-protektahan ay ang ilong at ang bibig dahil dito ang mas predisposed na puntahan ng virus na ito. Kaya, yung mga taong mahilig sa paninigarilyo, dahil respiratory ito, yun ang mas naaapektuhan. And of course yung mga mahihina ang resistensya.

Kaya nga, yung mga Vitamin C na nagpapalakas ng immune system ng ating katawan, aba naa-out of stock. Pati ang alcohol. Pati ang mask. Dahil ito ang kailangan natin para ma-prevent. And of course, kailangan ng social distancing, yung 6 feet apart. Although ngayon napapansin ninyo, ang ating kundisyon ngayon ay bumababa at bumababa ang incidence nito. Kaya tayo ay nagluluwag sa ating distancing. Pero hindi ibig sabihin, libre na tayo sa COVID. Wala na si COVID, pumunta na sa China? Hindi po. Mali po tayo.

At ang isa pang kailangang gawin natin, ang inuuli-ulit ni Dr. Ali ay tungkol sa vaccination. Siguro, tayo ay mas familiar sa  BCG, BTT, polio, measles, flu vaccines, sa mga babae, yung vaccine para sa cervical cancer. Pero ito ay halos pareho din. Ang ibig sabihin, itong vaccine na ito, magdadagdag or magaactivate ng anti-bodies sa katawan natin para labanan itong virus na ito.

So, kailangan, tayo ay dapat magpabakuna. Ito ang importansya ng nagpapabakuna Ibig sabihin nito sa pamamagitan ng siyensa, sa pamamagitan ng kooperasyon natin, kaya natin labanan ito. Kaya nating sugpuin ang pandemya, ang COVID 19 na ito. Huwag na nating hintayin na magkaroon pa ng ibang Omicron etc. at baka tapusin na ang lahat ng Greek letters ng alphabet, at doon tayo magpabakuna. Hindi po, dahil nagkakaroon ng mutation ang virus na ito. At, kamukha ng nakita natin, the shift from the Delta variant to the Omicron variant, mas tumapang. Kaya, kailangan huwag na anting maging matapang lalo itong variant nito.

So ang ibig sabihin na mape-prevent natin ito at dahil mape-prevent natin ito makaka-recover tayo. Pag nakarecover tayo sa COVID, makaka-recover din tayo sa ating ekonomiya, sa ating trabaho.

No summary

Join

Our

Movement

Related News