Minsan Lang Kita Iibigin, Nanay at Tatay

Maganda ang panahon. Nakaratıng ang team ng Synergeia sa Valenzuela City ng mas maaga sa inaasahan.

Doon ay makikiugnay kamı sa mga Nanay at Tatay, sa isang Parenting Camp workshop, na nagnanais na matuto sa karanasan ng kapwa nilang magulang tungkol sa pagpapalaki ng anak.

Bahagi ito ng malaking programa ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, na pinamumunuan ni Mayor Wes Gatchalian, para sa paghahanda sa mga magulang sa mga bagay at hamon ng pagiging mabuti’t responsableng Nanay at Tatay.

Sa damı ng dumalo, isa lang ang napatunayan ng mga magulang ng Valenzuela. Ito ay iyong pagtanggap nila na mahirap ang maging magulang sa panahong kasalukuyan at handa silang iangat ang kanilang kakayahan na magampanan ang kanılang mga tungkulin at obligasyon sa mga anak.

Sari-sari ang kuwento tungkol sa mga relasyon nila sa kanılang mga anak na nasa elementarya at yung iba’y nasa high school na. Iba-iba raw ang paguugali. Iba-iba rin ang gusto. Kaya ang kuwento nila ay may bitbit na kasiyahan. At may kalakip din na luha’t kalungkutan.

Sa pangkalahatan, ang mga Nanay at Tatay  sa workshop ay nagkaisa na sa mithiiin nila na magkaroon ng tahimik, maşaya, walang poot o galit at puno ng malasakit sa loob ng tahanan, dapat sundin nila ang mga “best practices” na naibahagi ng marami at ang napatunayang mga magandang epekto nito sa pamilya at sa pagiging mabuting magulang, tulad ng:

1. SAKSI – Saksi ka dapat sa paglaki ng iyong anak. Habang lumalaki ang anak, magbabago talaga ang kanyang paguugali lalo na’t kung mapapabarkada Ito sa hindi tamang grupo. Mahalaga ang iyong presensya sa lahat ng nagaganap sa pagtanda ng anak.

2.  TIWALA – Positibo ang epekto ng pakikipagusap sa anak at pakikinig sa kanılang mga naiisip, nararamdaman o kahıt anong bagay. Lalo na sa pagtindi ng kalaban natin sa teknolohiya, cell phone o internet na isang balakid sa pakikipagusap ng maayos. Sa magandang komunikasyon, may mabubuong tiwala sa İsa’t isa kaya kung may problema o kailangan ang anak, ang magulang ang uunahing puntahan.

3. VALUES- Mahalaga na malinaw ang values na gustong ipatupad sa isang pamilya katulad ng respeto, disiplina, integridad, honesty, pagmamahal,  takot sa Diyos at iba pa. Kung naiintindihan ito ng anak, maiiwasan ang awayan sa kung ano ang tama o mali at magagampanan ng anak ang inaasahan sa kanya.

4. EMPATHY – Ang pagbibigay ng totoong malasakit sa anak ay nasusukat sa kung paano ilalagay ng magulang ang sarılı sa kalagayan ng anak at intindihin ang nararanasan ng anak sa perspektibo nito. Kalimitan kaşı pinipilit ng magulang kung ano lang ang sa tingin nito ay tama at nalilimutan ang punto de vista ng anak. Kaya kung walang empathy, lalayo na lang ang anak sa magulang at pupunta na lang sa mga taong mas makakaintindi sa kanila.

5. ROLE MODEL- Kung ano ang tinuturo sa anak, yan ang dapat na pinapakita ng magulang. Ika nga, “practice what you preach”. Walang pinakamainam na role models kundi ang mga magulang na tinitingala ng anak sa araw-araw.

Natapos ang workshop na may paalala sa lahat ng Nanay at Tatay.

Una, there is joy in parenting. Mahirap na maşaya ika nga. Kailangan lang ng pagtiyatiyaga, pagpupursige at maraming dasal.

At pangalawa, there is hope for a better future for families. Walang imposible. Lahat may paraan. Pagtibayin ang tiwala sa sarling kakayahan bilang magulang. Walang  sukuan. Kasi minsan lang kitang iibigin, Nanay at Tatay! At ang minsan na yan ay magpakailanman.

Nay, Tay, Paano ka ba ginawa?

Mataas ang enerhiya at masayang nakangiti ang mga Nanay at Tatay (Tito at Tita, Lolo at Lola,  Ate at Kuya) na nakilahok sa Parenting Workshop – “Ako,  Aking Anak at Mag-Anak”na isinagawa ng Synergeia kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at lokal na pamahalaan ng Valenzuela City.

Ito ay bahagi ng  programa ng Valenzuela City tungkol sa pagtataas ng kapasidad ng mga magulang o guardians ng mga bata na pangalagaan ang edukasyon at iba pang pangangailangan nito.

Buo ang kanilang mga loob at paniniwala na nakasalalay sa kamay ng pamilyang Pilipino ang ikauunlad ng ating bansa.

Kaya handa silang matuto sa kung paano nga ba dapat magmahal ang magulang sa anak at matulungang matupad ang mga pangarap ng mga ito.

Iba-iba ang bilang ng kanilang mga anak at iba-iba rin ang mga grado nito sa eskuwelang pinapasukan. Sari-sari ang kuwento, samu’t sari ang problema, sandamakmak ang luha’t saya sa buhay ng pagpapalaki ng anak.

Pero nagkakaisa sila na may liwanag at pagasa ang mga hangarin nilang makapagtapos ng pagaaral ang mga anak at magkaroon sila ng mas magandang kinabukasan.

Kasama ang Synergeia sa pag-angat ng pamilya ng Valenzuela City at ito ang bilin namin sa kanila.

Dear Nanay at Tatay,

Maraming salamat sa inyong pagpunta at pagbibigay ng pagkakataon na ibahagi ang inyong kuwento at sabay-sabay tayong natuto sa mga tama’t mapagmahal na pamamaraan sa pagtaguyod sa ating mga anak.

Sa aming napakinggan sa inyo, maliwanag na lahat kayo ay may pangarap para sa mga anak n’yo. Gusto n’yo silang makatapos ng pagaaal kasi naniniwala kayo na ang edukasyon ang susi sa mas maginhawang buhay.

Nabanggit n’yo din na hindi madali sa inyo ang magpalaki ng anak sa maraming kadahilanan:

1. Kahirapan ng buhay;

2. Impluwensya ng barkada;

3. Matinding pagtutok sa social media;

4. Walang gamit sa pagaaral;

5. Hindi matiwasay at magulong tahanan;

6. Kawalan ng oras para sa pakikipagusap sa anak;

7. Kakulangan ng panahon para maging bahagi ng mga aktibidad ng anak sa paaralan; at

8. Mga iba pang distraksiyon sa buhay.

Sa workshop, napagalaman natin na marami mang kayong pagkukulang, hindi naman puedeng walang magbago. Sabi n’yo, mahalaga ang pagbibigay ng oras para sa anak at nagbigay kayo ng mga puedeng gawin tulad ng:

1. Kailangan may limitasyon sa paggamit ng cell phone ang anak lalo na tuwing kainan;

2. Ang laging pagtatanong ng kung ano ang nangyayari sa anak ay makakatulong sa pagiging open nila at hindi masikreto;

3. Mahalaga ang magkaroon ng paniniwala sa sariling kakayahan para hindi maapektuhan ng pagmamaliit ng iba;

4. Ang pagbibigay puri o pagkilala sa ginagawa ng anak ay makakatulong para maiangat ang kumpiyansa nito sa sarili; at

5. Dapat ayusin din ng mga magulang ang kanilang mga kalagayan, magkaroon ng diskarte at hindi magpatalo sa mga hamon ng buhay bagkus ipakita sa mga anak na kakayanin nila ang lahat para magkaroon sila ng mabuting hinaharap.

Marami sa inyo ang naluha habang nagkukuwento pero nadama din namin ang inyong katapangan at hindi pagtinag sa kung ano pa mang unos ang darating. Lahat ng buhay nito ay inialay para sa anak. Para sa kanilang mga pangarap. Kahanga-hanga talaga.

Nanay, Tatay, paano ka nga ba ginawa? Mahirap ipaliwanag. Pero isa lang talaga ang bumubuklod sa ating lahat at kung ano mang  tinataya natin para sa pamilyang Pilipino.

Pagmamahal. Labis na pag-ibig para sa ating mga anak.

Sa Synergeia, tayo ay Isang puso, Isang pamilya.

Salamat muli,

Ang inyong pamilya sa Synergeia.

The Final Act: The “Dapat Lang” Phenomenon

The Final ACT: The “ Dapat Lang” Phenomenon

The Proof of Concept (POC) initiative, with the Province of Iloilo as the lead actor in the devolution of basic education to LGUs, hit the ground running in three noble ACTs enabled by Synergeia’s Kickstarter training workshops for the main performers- LSBs, principals and teachers. The core objectives of these workshops are to find out what issues and challenges do we face and what should be done to obtain our bottom line of having all Grade 3 students read during the School Year 2024-2025.

In his remarks at the opening of the workshops, Governor Toto Defensor provoked his education champions and advocates of his expectations about the POC initiative, emphasizing that it is not appropriate to claim as an outstanding achievement the 100% success rate in having all their Grade 3 pupils read.

“Dapat lang”. That was the Governor’s shout-out to all who want to make a big difference in education in Iloilo. It resonated with such clarity as THE normal standard for its reading program and as an ordinary “business as usual” outcome of any intervention.   For the Governor, to have everyone able to read is not a matter of chance or choice. It should be done. Non-negotiable. No compromises. There is a need to formulate higher and better benchmarks for reading and overall literacy.

From a leadership perspective, “Dapat lang” mirrors a strategy to drive change in a more purposive and focused way where the education players are motivated to push their limitations and to gain more confidence to learn and relearn as they become triggered by the seriousness of the reading crisis and its impact on the Province’s and the country’s economic and social transformation.

The POC initiative is a massive deal maker for Iloilo and the rest of the  LGUs should the “Dapat Lang” phenomenon breaks its spell through the mindset and behavior of our local chiefs, the LSBs, the principals and the teachers to remind us that to be extraordinary and exemplary, we all must be doing our jobs really well, helping ourselves and each other, setting the highest standards for ourselves and our students and creating new frontiers for quality learning and education.