Maganda ang panahon. Nakaratıng ang team ng Synergeia sa Valenzuela City ng mas maaga sa inaasahan.
Doon ay makikiugnay kamı sa mga Nanay at Tatay, sa isang Parenting Camp workshop, na nagnanais na matuto sa karanasan ng kapwa nilang magulang tungkol sa pagpapalaki ng anak.
Bahagi ito ng malaking programa ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela, na pinamumunuan ni Mayor Wes Gatchalian, para sa paghahanda sa mga magulang sa mga bagay at hamon ng pagiging mabuti’t responsableng Nanay at Tatay.
Sa damı ng dumalo, isa lang ang napatunayan ng mga magulang ng Valenzuela. Ito ay iyong pagtanggap nila na mahirap ang maging magulang sa panahong kasalukuyan at handa silang iangat ang kanilang kakayahan na magampanan ang kanılang mga tungkulin at obligasyon sa mga anak.
Sari-sari ang kuwento tungkol sa mga relasyon nila sa kanılang mga anak na nasa elementarya at yung iba’y nasa high school na. Iba-iba raw ang paguugali. Iba-iba rin ang gusto. Kaya ang kuwento nila ay may bitbit na kasiyahan. At may kalakip din na luha’t kalungkutan.
Sa pangkalahatan, ang mga Nanay at Tatay sa workshop ay nagkaisa na sa mithiiin nila na magkaroon ng tahimik, maşaya, walang poot o galit at puno ng malasakit sa loob ng tahanan, dapat sundin nila ang mga “best practices” na naibahagi ng marami at ang napatunayang mga magandang epekto nito sa pamilya at sa pagiging mabuting magulang, tulad ng:
1. SAKSI – Saksi ka dapat sa paglaki ng iyong anak. Habang lumalaki ang anak, magbabago talaga ang kanyang paguugali lalo na’t kung mapapabarkada Ito sa hindi tamang grupo. Mahalaga ang iyong presensya sa lahat ng nagaganap sa pagtanda ng anak.
2. TIWALA – Positibo ang epekto ng pakikipagusap sa anak at pakikinig sa kanılang mga naiisip, nararamdaman o kahıt anong bagay. Lalo na sa pagtindi ng kalaban natin sa teknolohiya, cell phone o internet na isang balakid sa pakikipagusap ng maayos. Sa magandang komunikasyon, may mabubuong tiwala sa İsa’t isa kaya kung may problema o kailangan ang anak, ang magulang ang uunahing puntahan.
3. VALUES- Mahalaga na malinaw ang values na gustong ipatupad sa isang pamilya katulad ng respeto, disiplina, integridad, honesty, pagmamahal, takot sa Diyos at iba pa. Kung naiintindihan ito ng anak, maiiwasan ang awayan sa kung ano ang tama o mali at magagampanan ng anak ang inaasahan sa kanya.
4. EMPATHY – Ang pagbibigay ng totoong malasakit sa anak ay nasusukat sa kung paano ilalagay ng magulang ang sarılı sa kalagayan ng anak at intindihin ang nararanasan ng anak sa perspektibo nito. Kalimitan kaşı pinipilit ng magulang kung ano lang ang sa tingin nito ay tama at nalilimutan ang punto de vista ng anak. Kaya kung walang empathy, lalayo na lang ang anak sa magulang at pupunta na lang sa mga taong mas makakaintindi sa kanila.
5. ROLE MODEL- Kung ano ang tinuturo sa anak, yan ang dapat na pinapakita ng magulang. Ika nga, “practice what you preach”. Walang pinakamainam na role models kundi ang mga magulang na tinitingala ng anak sa araw-araw.
Natapos ang workshop na may paalala sa lahat ng Nanay at Tatay.
Una, there is joy in parenting. Mahirap na maşaya ika nga. Kailangan lang ng pagtiyatiyaga, pagpupursige at maraming dasal.
At pangalawa, there is hope for a better future for families. Walang imposible. Lahat may paraan. Pagtibayin ang tiwala sa sarling kakayahan bilang magulang. Walang sukuan. Kasi minsan lang kitang iibigin, Nanay at Tatay! At ang minsan na yan ay magpakailanman.