Ang Pagtatagpo ng Mga Lawin sa Maguindanao

Sama samang nagpulong sina Mayor Piang (North Upi); Mayor Paglas (Datu Paglas); Mayor Tomawis (Barira), at Mayor Campong (South Upi) upang talakayin ang Special Education Fund tax (SEF). Ang SEF ay bahagi ng koleksyon sa “real property tax” na nauukol sa pagpapaunlad ng edukasyon. Una, magsasagawa ang mga paaralan ng malawakang edukasyon ng mga magulang sa kahalagahan ng buwis. Makatutulong ito upang makatapos ng elementarya ang mga bata. Tatlo (3) lamang sa 10 bata ang nakatatapos ng Grade Six sa ARMM. Masigla ang mga Maguindanao –Lawin. May pa-raffle ng resibo sa Upi at motorsiklo ang premyo. Pwede ring gamitin ang resibo sa beauty contest. Pa-excel-excel muna si Mayor Campong sa paglilista ng nga taxpayers dahil wala pa silang computerized system. Bubunuin naman ni Mayor Alex ang walang titulong mga lupa. Sabi naman ni Mayor Paglas, “kayang-kaya”.
|